Pagdakip kay Pastor Quiboloy sa Hawaii, fake news – spox

     6 months ago
31
Leave a Comment
11 SHARE

DAVAO CITY – Nilinaw ng kampo ni Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ na hindi raw inaresto ang nasabing pastor sa Hawaii na umano’y nakuhaan ng mga armas at malaking halaga ng pera.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Atty. Bobet Torreon, tagapagsalita ni Quiboloy, nagkaroon lamang ng random check sa nasabing paliparan kasama ang lima na iba pa.

Inamin naman nito na may dalang armas ang grupo ngunit pag-aari umano ito ng kanyang security.

Hindi rin aniya pag-aari ng pastor ang perang nakuha sa kanila, ngunit sa isa pa nilang kasamahan na isang US citizen na kinilalang si Felina Salinas.

Bagamat naging tikom ang bibig ni Torreon sa kabuuang halaga ng salaping nakumpiska, iginiit naman nito na taliwas umano sa lumabas na balita na aabot sa US$350,000 ang nakuha kay Salinas.

Dagdag pa nito na kung totoong dinakip ang pastor ay mananaliti ito sa nasabing estado.

Sa kasalukuyan ay dumating na sa bansa si Quiboloy dakong alas-6:36 ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, ngunit hindi ito humarap sa mga kasapi ng media.

Naghahanda umano para sa isang malaking concert rally ang pastor na isasagawa sa lungsod ng Antipolo, Rizal.

Source link

Post Comments