Pagkaaresto ng Demafelis killer, ikabubuti ng Phl-Kuwait diplomatic relations – DOLE chief Bello

     5 months ago
27
Leave a Comment
5 SHARE

Naniniwala si Labor Sec. Silvestre Bello III na makakatulong para maibalik sa normal ang diplomatic relation ng Pilipinas at Kuwait ang pagkakaaresto na ng Lebanese national na isa sa dalawang suspek sa pagpatay kay Joanna Demafelis na natagpuang nakasilid sa freezer makalipas ang isang taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Sec. Bello na hindi maikakailang naging “shaky” ang relasyong diplomatiko ng Pilipinas at Kuwait kasunod ng sinapit ni Joanna sa kamay ng mga amo sa Kuwait.

Ayon kay Sec. Bello, magkakaroon din ito ng positibong epekto para ikonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbawi sa total deployment ban sa Kuwait.

Pero nilinaw ni Bello na mangyayari lamang ito kapag lumagda na sa memorandum of agreement (MOA) ang Kuwaiti government para sa dagdag proteksyon sa mga overseas Filipino workers (OFWs) lalo sa mga domestic helpers.

Kabilang umano sa mahigpit nilang kinokontra ang tatlo hanggang apat na oras lamang na tulog ng mga Pinay DH, kawalan nila ng day-off, pagkain ng mistulang basura at pagkumpiska sa kanilang mga pasaporte.

Source link

Post Comments