Pagkakabaon sa utang ng mga pulis pinasisiyasat na ni Pangulong Duterte

     3 months ago
28
Leave a Comment
79 SHARE

Pinabubusisi na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang reklamo ng mga pulis hinggil sa umano’y labis na pagkaltas ng Philippine National Police (PNP) Finance Department mula sa kanilang suweldo ng halagang ipambabayad sa kanilang utang para sa mga private loan sharks.

Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, umabot na sa kaalaman ng pangulo ang kalbaryo ng maraming mga pulis bunsod ng aniya’y iligal na pagkaltas na ipinadadaan pa sa finance department ng PNP.

Partikular, ani Go, na inatasan ni Pangulong Duterte sina Department of Interior and Local Government (DILG) officer-in-charge Secretary Eduardo Año at PNP Chief Director General Oscar Albayalde upang siyasatin ang nasabing usapin at agad na gawan ng aksyon ang problema ng mga pulis.

Ayon kay Go, nais ng pangulo na direktang ang mga lehitimong finance institution ang magbawas sa suweldo ng mga pulis na may pagkaka-utang sa kanila sa halip na idaan pa sa PNP Finance Department.

Sa halip aniya na mapakinabangan ng mga kagawad ng PNP ang dobladong sahod na pinagsikapan ng pangulo para sa kanila, tila napupunta lang ito sa mga shark loan na hindi aniya papayagan ni Pangulong Duterte.

Source link

79 SHARE

Post Comments