‘Pagkakaisa’ panawagan ni Duterte sa 32nd anniversary ng EDSA People Power

     5 months ago
24
Leave a Comment
5 SHARE

Nakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita ng bansa sa ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Duterte na umaasa siyang magdudulot ang maksaysayang event na ito ng pagyaman ng pagkakaisa ng bawat Pilipino.

Iginiit nito na simula noon, ang rebolusyon sa EDSA ang nagsilbing “sagisag” ng panindigan ng mga Pilipino na ipaglaban ang tama, ipagtanggol at ipagsanggalang ang malayang pamumuhan ng mamamayan ng bansa.

“Nawa ay pagkaisahin tayo ng okasyong ito sa pagtupad ng ating mga adhikain at mithiin para sa ating bayan,” ani Pangulong Duterte.

Gayunman, umapela rin ang punong ehikutibo na lalong pagyamanin ang demokrasya ng bansa sa pamamagitan ng pagpapalakas aniya sa mamamayan, pangangalaga sa mga karapatan ng mga ito at pagpapatatag na rin sa mga institusyong nagtataguyod ng kalayaan ng bawat isa.

Nauna nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi dadalo si Pangulong Duterte sa anumang EDSA commemoration events ngayong araw sapagkat nasa Davao raw ito sa ngayon.

Matatandaan na ito na ang ikalawang taon na hindi dumalo ang punong ehikutibo sa commemoration activities ng EDSA People Power.

Source link

Post Comments