Pagkakakilanlan ng Pinay na nawawala dahil sa Taiwan quake, tukoy na – MECO

     2 months ago
17
Leave a Comment
4 SHARE

BACOLOD CITY – Pinangalanan na ang isang Pinay na napaulat na nawawala matapos yanigin ng 6.4 magnitude na lindol ang Hualien, Taiwan.

Sa eksklusibong interview ng Star FM Bacolod kay Manila Economic and Cultural Office Chairman at Resident Representative Angelito Banayo, ang nawawalang overseas Filipino worker (OFW) ay si Melody Albano de Castro na taga-Ilocos.

Ipinaalam na umano ng OWWA-Manila ang kaniyang pamilya.

Nilinaw naman ni Bayano na missing pa lang si de Castro at hindi pa sila sigurado kung ano ang kalagayan nito.

Sinubukan naman din umano ng welfare officer na tawagan ang cellphone number nito, ngunit hindi ito sinasagot.

Meron din isang Pilipino ring naospital kaninang umaga dahil sa mga pasa dulot ng malakas na lindol ngunit nakalabas na umano ito.

Sa ngayon, suspendido muna ang rescue operations sa Hualien, dahil nag-tilt umano ang building at delikadong bumagsak.

Source link

Post Comments