Pagkakasama ng Maute group sa US foreign terrorists list, OK sa Palasyo

     5 months ago
21
Leave a Comment
10 SHARE

Itinuturing ng Malacañang na positibong development at nararapat lamang ang opisyal na pagkakasama ng Maute terror group sa tinaguriang “Specially Designated Global Terrorists and Foreign Terrorist Organizations” list ng Estados Unidos.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, malaking bagay ito sa kampanya ng gobyerno laban sa terorismo.

Ayon kay Sec. Roque, pinagtitibay nito ang matagal ng paniwala ng gobyerno na ang Maute Group ay binubuo ng mga local terrorist na sinusuportahan ng foreign extremists partikular ng ISIS.

Naniniwala din si Roque na ang hakbang na ito ng US ay pagkilala sa naging aksyon ng Pilipinas para mapalaya ang Marawi City mula sa mga terorista at mapigilan ang pagtatag nila ng Islamic caliphate sa lugar, gayundin makontrol ang pagkalat ng rebelyon sa ibang bahagi ng bansa.

Ang pagkilala umano sa Maute Group bilang affiliate ng ISIS ay nagpapakita ng pagkakaisa at pagpupursige ng international community para mapuksa ang mga masasamang pwersa para maging mas ligtas ang mundo.

“The official designation of the Maute Group as an affiliate group of ISIS and its inclusion in the US list of foreign terrorist organizations are positive developments in the campaign against terrorism,” ani Sec. Roque.  “This reaffirms our long-held belief that the Maute Group is composed of local terrorists aided by foreign extremists.  This likewise recognizes the decisive action we have taken in liberating Marawi from these terrorists, which resulted in the success of the government in thwarting the establishment of an Islamic caliphate in the area and the containing of the rebellion from spreading to other parts of the Philippines.”

Source link

Post Comments