Pagpapaliban sa 2019 mid-term elections inihirit ng liderato ng Kamara

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Naniniwala si House Speaker Pantaleon Alvarez na mas praktikal kung ipagpapaliban ang midterm elections sa Mayo 2019.

Ikinatwiran ng opisyal na dapat bigyang daan ang transition para sa panukalang federal form of government.

Paliwanag ng pinuno ng Kamara, magiging mahirap para sa kanila para talakayin ang planong charter change dahil sa mga naka-kalendaryong aktibidad kung matutuloy ang eleksyon.

Problema anya ang pagkakaroon ng quorum sa plenaryo dahil magiging abala na sila sa panahon ng kampanya.

Iginiit nito na kung prayoridad ang charter change ay dapat mag-focus dito ang Kongreso.

Sinabi naman ni House Majority Leader Rodolfo FariƱas na kung ang binuong Consultative Committee ay inabot ng apat na buwan para sa draft hindi anya nila kakayanin na aprubahan ito sa loob ng dalawang buwan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments