Pagpapalit ng Saligang Batas, itutuloy pa rin ng liderato ng Kamara

     2 weeks ago
20
Leave a Comment
14 SHARE

Sa kabila ng survey na nagpapakita na maraming Pilipino ang hindi pabor sa pagpapalit ng Saligang Batas hindi magpapatinag ang liderato ng Kamara sa isinusulong na Charter Change.

Ayon kay House Deputy Speaker Gwendolyn Garcia, isa ang Federalism sa plataporma ni Pangulng Rodrigo Duterte at full support sila rito.

Sinabi ni Garcia na dahil sa lumabas na survey ng Pulse Asia mas paiigtingin pa nila ang public information upang ma-educate ang sambayanan ukol sa isinusulong na pederalismo.

Paliwanag nito, naka depende ang survey sa partikular na mode kung kailan ito isinagawa bukod pa sa madalas na pagpapalit ng opinyon ng publiko.

Gayunman, umaasa ang Visayan solon na tatanggapin ng publiko ang isinusulong na Federalism.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

14 SHARE

Post Comments