Pagpasa sa BBL malaking hamon sa mga bumubuo ng Bicam Committee

     3 days ago
11
Leave a Comment
3 SHARE

Aminado si House Majority Leader Rodolfo Fariñas na malaking hamon ang kanilang kinakaharap para maipasa ang ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sa kaniyang opening statement sa pagsisimula ng bicameral conference committee sinabi nito na hamon sa kanilang mga mambabatas na maipasa ang BBL nang walang lalabagin sa Saligang Batas.

Kaugnay nito, umapela ang pinuno ng House Contigent sa Bicameral Conference Committee na gawing solido ang kanilang ipapasang bersyon ng BBL.

Magsisilbing cornerstone naman para kay kay Senate Majority Leader Miguel Zubiri ang kanilang mabubuo para sa kapayapaan sa Bangsamoro.

magtatakda rin anya ito ng direksyon para sa peace process at pag unlad hindi lamang sa Mindanao kundi sa buong bansa.

Dahil dito, Iginiit ni Zubiri na mabigat ang naka atang sa kanilang balikat para sa peace ang development ng Mindanao.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

3 SHARE

Post Comments