Pagpatay kina Mayor Bote at Mayor Halili walang ugnayan

     2 months ago
38
Leave a Comment
8 SHARE

Walang nakikita ang Police Regional Office 3 na may kaugnayan ang pamamaslang kina Tanauan City Mayor Tony Halili at General Tinio Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

Ayon kay Supt. Fe Grenas, tagapagsalita ng PRO-3 wala silang nakikitang link sa pagpatay sa dalawang mayor.

Magkaiba aniya ang tinitingnang lead ng PRO-3 at PRO-4A sa pagptay sa mga ito.

Negosyo at pulitika aniya ang kanilang nakikitang motibo sa pamamaslang kay Mayor Bote habang iba naman ang kay Halili na iniimbestigahan ng Calabarzon PNP.

Samantala, malaking tulong anya sa kanila ang isang P1 milyon reward na inilabas ng Nueva Ecija Provincial Government upang lulutang ang mga posibleng testigo sa pag-ambush kay Bote.

Gayunman, wala pa aniyang lumalapit na testigo sa kanila.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

8 SHARE

Post Comments