Pagpigil noon ng DoJ kay ex-Pres. Arroyo na bumiyahe sa ibang bansa, unconstitutional – SC

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Unanimous ang naging desisyon ng Korte Suprema at idineklarang unconstitutional ang kapangyarihan ng Department of Justice (DoJ) na magpalabas ng watchlist order (WLO) at pigilan noon si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo para magpagamot sa ibang bansa.

Ang kaso ay nag-ugat sa petisyong inihain ni Arroyo na kumukuwestiyon sa inisyung WLO sa kanya ni dating DoJ Secretary Leila de Lima.

Inilagay sa watchlist order noon si Arroyo at asawa nitong si Mike at 48 iba pa.

Sumalang din ito sa oral arguments at sa Botong 8-5 noon, naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang SC pabor sa mag-asawang Arroyo subalit hindi sinunod ni De Lima ang kautusan ng Korte.

Humiling si Arroyo noon kay De Lima na mag-isyu ng allow departure order (ADO) pero hindi ito pinagbigyan ng dating kalihim.

Hinanapan ni De Lima ang mag-asawang Arroyo ng karagdagang mga dokumento gaya ng medical records at ang bansa kung saan ito magpapagamot.

Inilagay sa watchlist ang mga Arroyo noong Oktubre 28, 2011 matapos silang tukuying mga respondents kasama ang 38 iba pa sa dalawang kaso ng electoral sabotage na isinampa ng DoJ, Commission on Elections (Comelec) at noo’y Sen. Koko Pimentel.

Source link

0 SHARE

Post Comments