Pagsira sa mga smuggled luxury cars, polisiya na ng gov’t – Palasyo

     6 months ago
23
Leave a Comment
6 SHARE

Tiniyak ngayon ng Malacañang na magiging polisiya na ng gobyerno ang pagdurog o pagsira sa mga smuggled na luxury cars.

Sa Martes, nakatakdang ipapa-bulldozer ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang mamahaling sasakyang nakumpiska ng Bureau of Customs (BoC) sa Port Area, Maynila.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, maging ang mga susunod pang smuggled na luxury cars na masasabat sa Customs ay ipapasira na rin.

Ayon kay Sec. Roque, hindi na papayagan ni Pangulong Duterte ang mga auction na sinasamantala rin daw ng mga smugglers.

Iginiit pa ni Roque na nais ni Pangulong Duterte na iparating ang mensaheng tapos na ang maliligayang araw ng mga smugglers.

“So sa kaniyang schedule po baka magkaroon lang ng token pero bagama’t hindi niya makikita iyong ‘pag-bulldoze sa lahat ay sabi nga sa akin ni Presidente, ang sabihin mo, the things speaks for itself. Hindi na po siya magto-tolerate ng mga auction-auction na nagiging dahilan para makapag-smuggle nga ng mga mamahaling mga sasakyan at magiging polisiya na ito na talagang ipapa-bulldozer na lang iyong mga smuggled na luxury vehicles,” ani Pangulong Duterte.

Source link

Post Comments