Pagsuway ni Morales sa suspension vs Carandang, posibleng ‘impeachable offense’ – Panelo

     3 months ago
13
Leave a Comment
3 SHARE

Nagbabala si Presidential Chief Legal Counsel (CPLC) Salvador Panelo na maaaring maharap sa impeachment complaint si Ombudsman Conchita Carpio-Morales kung hindi nito ipatupad ang suspensyon laban kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang.

Binigyang-diin ito ni Panelo kasunod nang ipinalabas na statement ng tanggapan ni Morales na komokontra sa inilabas na suspension order ng Office of the President (OP) dahil ito umano ay unconstitutional.

Sinabi ni Sec. Panelo, kung mapapatunayang malisyoso ang  nasabing statement mula kay Ombudsman Morales, posibleng maikonsidera itong betrayal of public trust na isang impeachable offense.

Ayon pa kay Panelo, mas mabuting idulog na lamang ni Morales o sinumang kumuwestiyon sa suspensyon ni Carandang sa Korte Suprema para malinawan ang isyu.

Nananatili raw ang paninindigan ng Malacañang na ligal ang pagpapatupad ng suspensyon at epektibo ito hangga’t walang desisyon ang Kataas-taasang hukuman.

“It depends. If it is malicious and deliberate, it can be considered a betrayal of the public trust. Otherwise, it may not be,” ani Sec. Panelo.

Source link

Post Comments