Pagtatalaga sa ilang mga babaeng opisyal, tanda na walang diskriminasyon sa Duterte admin – Palasyo

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Iginiit ng Palasyo ng Malacañang na walang diskriminasyon sa kababaihan si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagnanais na manilbihan sa gobyerno.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, patunay lamang ang pagtatalaga kina Sec. Bernadette Romulo Puyat sa Department of Tourism, Acting Sec. Virginia Orogo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Commissioner Socorro Inting sa Commission on Elections (COMELEC) na walang diskriminasyon sa kababaihan sa pamahalaan.

Dapat anyang tingnan ang aksyon ng pangulo sa huling tatlong appointees na pawang mga babae na ebidensya lamang na hindi tutol si Duterte sa babae sa gobyerno.

Nilinaw ni Roque ang naging pahayag ng pangulo na hindi niya gustong magtalaga ng babae bilang susunod na Ombudsman.

Iginiit pa ng kalihim na posible pa ngang ang susunod na Ombudsman ay babae gayunman ay hindi pa anya ito makukumpirma.

Mayroon anyang malakas na babae sa listahan ng posibleng mga susunod na Ombudsman na malapit kay Duterte at lubhang pinaniniwalaan ng presidente ang kakayahan nito.

Source link

0 SHARE

Post Comments