Palasyo bumwelta sa paninisi ni Sereno kay Pres. Duterte

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Hindi na ngayon nakapagtimpi ang Malacañang at umalma na sa pinakabagong batikos ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, pinili nilang huwag magkomento sa panawagan kahapon ni Sereno kay Pangulong Duterte na magbitiw pero hindi raw nila mapapalampas ang ginagawa nitong “grandstanding” at paninisi sa Pangulo kaugnay sa ruling ng Korte Suprema sa quo warranto laban sa kanya.

Ayon kay Sec. Roque, dapat magsalamin si Sereno para makita kung sino ang nasa likod ng Supreme Court (SC) ruling.

Iginiit ni Roque na si Sereno ang lumabag sa Konstitusyon sa hindi paghahain ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) at hindi Pangulong Duterte na patuloy na nakakakuha ng mataas na trust, satisfaction, performance at approval ratings mula sa taongbayan.

Source link

0 SHARE

Post Comments