Palasyo, ‘di nababahala sa ICC notice sa reklamo vs Duterte – Roque

     2 months ago
20
Leave a Comment
8 SHARE

Umusad na sa preliminary examination ang impormasyong inihain ni Sen. Antonio Trillanes sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands kaugnay sa crime against  humanity kasunod ng umano’y madugong anti-illegal drugs war.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nakatanggap sila ng notice mula sa ICC para bigyan ng update sa lagay ng inihaing impormasyon ni Trillanes.

Sa kabila nito, ayon kay Sec. Roque, malayo pa ito sa inaasahan ng mga kritikong mauuwi ito sa indictment laban kay Pangulong Duterte.

Iginiit ni Roque, komunikasyon pa lamang ito, wala pang kaso at wala pa sa puntong may kailangang humarap na sa ICC mula sa panig ng gobyerno.

Ipinaliwanag ni Roque na  preliminary examination pa lamang ito, bahagi ng proseso upang madetermina kung may “probable cause” para ipursige ang preliminary investigation at kung mayroon itong hurisdiksyon sa isinampang impormasyon ni Trillanes.

Buo naman ang paniniwala ni Roque na sapat ang kakayahan ng  korte rito sa Pilipinas para tugunan ang impormasyong ito.

Nanindigan rin si Roque na saklaw ng soberenya ng Pilipinas ang pagpapatupad ng kampanya laban iligal na droga para mapangalagaan ang seguridad at kaligtasan ng ating mga mamamayan.

Source link

Post Comments