Palasyo itinangging ‘nagparaya’ sa China sa South China Sea

     2 months ago
9
Leave a Comment
3 SHARE

 

Nanindigan ang Palasyo ng Malakanyang na hindi ito nagparaya ng husto sa China sa South China Sea.

Pahayag ito ni presidential spokesman Harry Roque bilang tugon sa paratang ni maritime expert at University of the Philippines Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea Jay Batongbacal na nagmalabis ang Pilipinas sa pagbibigay ng pabor sa China para mapaayos ang relasyon ng dalawang bansa.

Iginiit pa ni Roque na pinangangalagaan ng Pilipinas ang national interest at sinisigurong ang kapakanan ng taong bayan ang nanaig sa pagsusulong ng magandang relasyon sa China.

Katunayan, sinabi ni Roque na malaya nang pumapalaot ngayon ang mga Pilipinong mangingisda sa Scarborough shoal at mayroong kapayapaan sa rehiyon.

Bukod dito, sinabi nito na dumarami na rin ang turistang Chinese na bumibisita sa bansa maging ang mga mamumuhunan mula sa mainland China.

Pagtitiyak pa ni Roque patuloy na isusulong ng Pilipinas ang sovereign rights ng Pilipinas naturang lugar.

Matatandang hindi kinikilala ng China ang arbitral ruling ng United Nations noong July 2016 na nagsasaaad na walang basehan ang pag-angkin ng China sa 9-dash line sa kabuuan ng South China Sea.

Source link

3 SHARE

Post Comments