Palasyo sa Kuwait: Alalahanin ang int’l standard sa ‘alien treatment’

     7 months ago
28
Leave a Comment
3 SHARE

Nakatakdang magpulong sina Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Alan Peter Cayetano at Kuwait Ambassador to the Philippines Saleh Ahmad Althwaikh ngayong araw.

Ito ay kasunod ng pagkondena ni Kuwaiti Foreign Minister Sabah Khalid Al Sabah sa mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa pagmamaltrato at pagtratong parang hayop sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ng kanilang mga employer sa Kuwait.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, matapos ang meeting, magsasagawa ng press conference sa DFA si Sec. Cayetano kaugnay sa mapag-uusapan nila ng Kuwaiti ambassador.

Ayon kay Sec. Roque, naatasan si Cayetano na makakuha ng commitment mula sa Kuwaiti government para sa proteksyon ng mga OFWs.

Pinaalalahanan din ni Roque ang Kuwaiti government kaugnay sa standard sa pagtrato ng mga banyaga sa kanilang bansa na makatao at may dignidad.

Source link

Post Comments