Palasyo umalma vs world corruption ranking ng Phl sa Transparency Int’l

     2 months ago
5
Leave a Comment
0 SHARE

Mahigpit na pinalagan ng Malacañang ang resulta ng pag-aaral ng Transparency International na nagsasabing ika-111 ang Pilipinas sa 180 bansang pinag-aralan nito kaugnay sa corruption perception index noong 2017.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi naman mareresolba ng magdamag ang problema sa korupsyon at siniseryoso ng pamahalaan ang naging pwesto nito sa pag-aaral ng Transparency International.

Kasabay nito, iginiit ni Sec. Roque na walang katotohanang limitado na lang ang press freedom sa bansa.

Sa katunayan umano ay malaya ang media na makapagbalita ng kanilang mga balita, maging ang “fake news” ng ilang media outfit.

Matagal na rin aniyang umaksyon ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng paglikha ng Presidential Task Force on Media Security para tiyakin ang kaligtasan ng mga mamahayag.

“We have to underscore that corruption is a problem that cannot be solved overnight; thus, we are taking the results of Transparency International Corruption Perceptions Index 2017, which shows our 111th (out of 180) ranking, seriously,” ani Sec. Roque. “The Chief Executive fired many government officials, including members of the Cabinet, once he heard even a whiff of corruption.  He likewise issued Executive Order No. 43 creating the Presidential Anti-Corruption Commission and opened a citizens’ complaint hotline 8888. Fighting corruption needs everyone’s cooperation.  The government cannot do it alone.  Citizens must be vigilant and report corruption.”

Source link

Post Comments