Palasyo: Utos ni Duterte sa AFP na itigil ang pagpatrolya sa West PH Sea, imposible

     2 months ago
18
Leave a Comment
13 SHARE

Mariing pinabulaanan ng Malacañang p ang impormasyon ni Magdalo party-list Representative Gary Alejano na ipinag-utos umano ni Pangulongh Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na itigil na ang pagpapatrolya sa West Philippine Sea.

Batay sa pahayag ni Alejano, tumanggi daw ang militar sa nasabing utos at iginiit na mandato nilang protektahan ang soberenya at territorial integrity ng Pilipinas.

Inamin naman ni Alejano na wala siyang kongkretong ebidensya pero pinagkakatiwalaan daw nito ang kanyang military sources.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, imposible ang nasabing alegasyon ni Alejano at hindi ito gagawin ni Pangulong Duterte.

Maging si Defense Sec. Delfin Lorenza ay kinontra rin ang pahayag ni Alejano.

Inihayag ni Sec. Lorenzana na walang ganung utos sa AFP.

Source link

Post Comments