Pambato ng Pilipinas wagi bilang Miss Multinational 2018 sa India

     2 months ago
13
Leave a Comment
14 SHARE

 

Wagi ang pambato ng Pilipinas sa unang coronation night ng Miss Multinational.

Inuwi ng 18-anyos na San Beda student na si Sophia Senoron ang korona, bukod pa sa dalawang special awards na Miss Environment at Miss Speech.

Ginanap ang coronation night ng naturang pageant sa New Delhi, India.

Ang talent manager na si Arnold Vegafria ang nagbahagi ng pagkapanalo ng Pinay beauty sa pamamagitan ng kanyang social media handles.

1st runner-up sa Miss Multinational si Saskia Kuban ng Germany, habang 2nd runner-up naman ang pambato ng India na si Shefali Sharma.

Source link

14 SHARE

Post Comments