Pamilya Demafelis ‘mixed emotions’, nagpapasalamat sa pagkakahuli sa amo ng Pinay worker na isinilid sa freezer

     2 months ago
17
Leave a Comment
6 SHARE

ILOILO CITY – Magkahalong emosyon ang nararamdaman ngayon ng pamilya Demafelis sa pagkakahuli sa amo ni Joanna Daniela Demafelis, ang Ilongga OFW na pinatay ng kaniyang mga employer sa Kuwait at isinilid pa sa freezer.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo, sinabi ni Barangay Kagawad Pablo Demafelis, tiyuhin ni Joanna, sa Bombo Radyo nila una narinig ang pagkakahuli kay Nader Essam Assaf, isang Lebanese.

Ayon kay Demafelis, nagpapasalamat siyang nahuli na ang isa sa mga suspek.

Masaya umano siya sa nangyari ngunit nangingibabaw pa rin ang poot para sa mga responsable sa pagpatay sa kaniyang pamangkin.

Si Assaf ay nahuli ng Interpol sa Lebanon at nasa kustodiya pa ng mga otoridad sa nasabing bansa.

At large naman ngayon ang maybahay nitong si Mona Hassoun na pinaniniwalaang nasa Syria.

Una nang tiniyak ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya Demafelis kahapon na ibibigay ang hustisya sa pagkamatay ni Joanna at makakamtan lamang ito kapag nahuli na ang mga suspek.

Source link

Post Comments