Pamilya Demafelis naibsan ang pighati matapos ang pagbisita ni Duterte

     5 months ago
26
Leave a Comment
5 SHARE

(Update) ILOILO CITY – Bahagyang nabawasan ang bigat sa loob na nararamdaman ng pamilya Demafelis matapos ang pagdalaw ng Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ni Joanna Daniela Demafelis, ang Pinay na pinatay ng kaniyang mga amo sa Kuwait ay isinilid pa sa freezer.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo, sinabi ni Crisanto Demafelis, ama ni Joanna, nagagalak silang naipaabot mismo sa Pangulo ang kanilang mga pangangailangan at problema.

Natutuwa umano siyang nabigyan sila ng Pangulo ng pagpapahalaga.

Ayon kay Mr. Demafelis, maraming dalang tulong para sa kanila ang Pangulo na kanila namang pinasasalamatan.

President Rodrigo Duterte and the family of Joanna Daniela Demafelis

Tiniyak naman ng Presidente  sa pamilya ang hustisya para kay Joanna, pagtubos sa tatlong ektaryang lupa ng pamilya na nakasangla at makatapos ng pag-aaral ang kapatid ni Joanna na si Joyce.

Nangako rin si Duterte na bibigyan ito ng trabaho kapag nakatapos na ng pag-aaral.

Binigyan din ng Pangulong Duterte ng cellphones na touch screen ang mga miyembro ng pamilya Demafelis.

May bitbit ding cash ang Pangulo na iniabot sa pamilya Demafelis.

Bagama’t nilinaw ng Pangulo na makakamit lamang ang hustisya kapag nahuli na ang mga amo ni Joanna.

Source link

5 SHARE

Post Comments