Pamilya natabunan sa landslide sa Surigao del Sur, 3 patay, ama sugatan

     7 months ago
27
Leave a Comment
8 SHARE

BUTUAN CITY – Tatlo ang patay at isa ang naka-survive matapos matabunan ang bahay ng buong pamilya sa naganap na landslide kaninang madaling araw sa bayan ng Carrascal, Surigao del Sur.

Ayon kay S/Insp. James Alindugao, hepe ng Carrascal Municipal Police Station, patay na ng kanilang marekober ang dalawang mga bata na edad tatlong taong gulang at anim na taong gulang pati na ang kanilang ina.

Habang dinala naman sa ospital ang ama na siyang tanging nakaligtas nang sila ay mahukay mula sa natabunan nilang bahay.

Ayon sa mga opisyal, gumamit na ng mga heavy equipment ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng kanilang engineering department kasama na ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection nang isagawa ang rescue operations.

Hindi muna isinapubliko ang mga pangalan ng mga biktima dahil inunang ipaalam sa iba pang pamilya ang naganap na pangyayari.

Source link

Post Comments