Pamilya Ungab, ‘no comment’ sa patutsada ni Espenido; giit na pulitika ang rason ng pagpatay

     2 months ago
8
Leave a Comment
4 SHARE

CEBU CITY – Hindi na pinatulan pa ng pamilya ng napatay na si Atty. Jonnah John Ungab ang pahayag ng hepe ng Ozamiz City Police na si C/Insp. Juvy Espenido na masaya umano ito sa pagkamatay ng abogado.

Ayon kay Jonald Ungab, nakakatandang kapatid ni Atty. Ungab, matagal na umanong nalinis ang pangalan ng kanyang kapatid dahil ang Department of Justice na mismo ang nag-dismiss ng kasong isinampa ni Espenido.

Muli naman nitong binigyang-diin na ang mga tsekeng sinasabi ni Espenido na natatanggap umano ng abogado ay mga bayad lamang sa serbisyo nito bilang abogado ng mga Espinosa.

Ayon pa kay Jonald na pinagtutunan nila ngayon ng pansin ay ang pagreresolba sa kaso ng kanyang kapatid at mabigyan ito ng hustisya.

Nakakalungkot lamang umanong isipin na ang taong naghahanap ng hustisya para sa iba ay hindi makabagbigay ng hustisya para sa kanyang sarili.

Kaugnay nito, nanawagan ito ng simpatiya, lalo na sa mga nasaksi mismo sa insidente, na makipag-ugnayan agad sa mga otoridad upang mapabilis ang pagdakip sa mga suspect.

Samantala, hinihiling din ng pamilya Ungab sa mga otoridad na huwag lamang mag-focus sa anggulong drug related o mga kasong hinahawakan nito kundi tingnan rin ang anggulong pulitika.

Ayon sa asawa nitong si Pearl, kung drug related at patungkol sa trabaho nito bilang abogado ang rason, bakit pa raw sa Cebu ginawa ang krimen na pwede rin namang doon sa Manila kung saan nandoon ang hearing ng kanyang mga kliyente.

Malakas umano ang paniniwala ng pamilya ni Atty Ungab na mayroong nagmamanipula sa kaso upang hindi na mapunta sa ibang anggulo ang imbestigasyon ng otoridad.

Napag-alaman na plano ni Atty. Ungab na tumakbong Mayor sa lungsod ng Ronda, Cebu sa 2019 midterm elections.

Source link

Post Comments