Pang. Duterte, hindi dadalo sa 27th World Economic Forum on ASEAN

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Hindi dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa 27th World Economic Forum on ASEAN sa Vietnam sa linggong ito.

Ayon kay Trade and Industry Sec Ramon Lopez, siya ang kakatawan kay Pangulong Duterte sa naturang event sa Hanoi sa September 11 hanggang 13.

Noong August 8, sinabi ng WEF na isa si Duterte sa walong lider mula Southeast Asia na dadalo.

Kabilang dito sina Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad, Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong, Indonesian President Joko Widodo at Myanmar State Counsellor Aung San Suu Kyi.

Dumalo si Duterte sa nakaraang WEF sa Cambodia kung saan isinulong nito ang potensyal ng mga kabataan sa rehiyon at kung paano sila nabibiktima ng iligal na droga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments