Pang. Duterte, mistulang “fire breathing dragon” sa mga sinibak na opisyal ng Nayong Pilipino

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Galit na galit si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sinibak na opisyal ng Nayong Filipino Foundation.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mistulang “fire breathing dragon” ang pangulo nang malaman na pumasok ang Nayong Pilipino sa pitumpung taong lease contract para sa P1.5 billion na theme park ng Hong Kong Landing International.

Sinabi ni Roque na hindi kasi matanggap ni Presidente Duterte na luging-lugi ang gobyerno sa naturang kontrata at wala pang bidding.

Kasabay nito, sinabi ni Roque na bahala na ang Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kaso laban sa mga sinibak na opisyal ng Nayong Pilipino Foundation.

Kasong graft o plunder aniya ang maaring ikaso sa mga sinibak na opisyal at maaaring patawan ng habambuhay na pagkabilanggo.

Ayon kay Roque, malaki ang tiwala ng Malakanyang kay bagong Ombudsman Samuel Martires na madaliang maiimbestigahan at kakasuhan ang mga opisyal ng Nayong Pilipino.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments