Pangulong Duterte binisita ang mga sugatang sundalo sa Camp Lukban Station Hospital

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Dinalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sugatang sundalo na kasalukuyang nasa Camp Lukban Station Hospital sa Catbalogan, Samar.

Ayon kay Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, personal na inalam ng pangulo ang kundisyon ng tatlong sundalo na nasugatan sa gitna ng serbisyo.

Aniya, maayos naman ang lagay ng mga ito at inaasahan nila ang kanilang pagbabalik-serbisyo oras na tuluyan na silang maka-recover.

Handa rin ang pamahalaan na tulungan ang mga sugatang sundalo kung kakailanganin pa nila ng dagdag na hospital treatment sa Maynila.

Samantala, nangangailangan ang Camp Lukban Station Hospital ng karagdagang mga gamit katulad ng x-ray machines at bagong mga hospital mattress.

Tiniyak naman ng pangulo na patuloy nitong ibibigay ang full support sa Armed Forces of the the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments