Pangulong Duterte may mga bagong appointees

     2 months ago
93
Leave a Comment
21 SHARE

May mga bagong appointees si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ahensya ng pamahalaan.

Sa inilabas na appointment paper, itinalaga ng pangulo si Atty. Kim Raisa Uy bilang bagong assistant secretary sa Office of the Executive Secretary.

Sa National Privacy Commission naman nagtalaga ng bagong Executive Director IV ang pangulo sa katauhan ni Elisa May Cuevas at si Gilbert SAntos bilang Director IV.

Itinalaga din ng pangulo bilang Director IV sa Department of Labor and Employment sina Cyrile Ticao, Sarah Buena Mirasol at Exequiel Ronie Guzman.

Una nang inanunsyo ng Malakanyang ang pagkakatalaga ni Pangulong Duterte kay DOJ Usec. Antonio Kho bilang bagong commissioner ng Comelec.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

21 SHARE

Post Comments