Pangulong Rodrigo Duterte, hindi wartime president

     2 months ago
26
Leave a Comment
27 SHARE

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya isang wartime president.

Sa talumpati ng pangulo sa oath taking ng nga bagong halal na barangay officials sa Clark, Pampanga sinabi nito na hindi niya maatim na pumatay ng kapwa Filipino sa pamamagitan ng giyera.

Ayon sa pangulo humingi na siya ng pang-unawa sa militar kung patuloy niyang
kinakausap ang mga kalaban ng estado.

Gayunman aminado ang pangulo na patuloy pa rin na namamayagpag ang rebelyon sa Mindanao.

Katunayan sinabi ng pangulo na kontaminado na ng grupong ISIS ang Abu Sayyaf Group (ASG) na nakabase sa Mindanao.

Source link

27 SHARE

Post Comments