Pangunahing suspek sa pagpatay sa Pinay worker na natagpuan sa freezer sa Kuwait, naaresto na

     2 months ago
31
Leave a Comment
19 SHARE

BREAKING: Naaresto na ang pangunahing suspek sa pagpatay sa Pinay worker sa Kuwait na si Joanna Demafelis.

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hawak na ng mga otoridad sa Lebanon si Nader Essam Assaf na isang Lebanese.

Ayon kay Philippine Ambassador to Kuwait Rene Villa, ipinabatid sa kaniya ng ministry of labor ng Kuwait ang pagkakadakip sa suspek.

Ayon naman kay DFA Sec. Alan Peter Cayetano, ikinatuwa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang development sa kaso ng 29-anyos na Pinay.

Pinasalamatan din ni Cayetano ang mga otoridad sa Kuwait at Lebanon sa ginawang tulong para madakip ang suspek.


 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

19 SHARE

Post Comments