‘Panis na sardinas, ‘di galing sa ipinamigay na relief goods sa Mayon evacuees’

     3 months ago
13
Leave a Comment
3 SHARE

LEGAZPI CITY — Nilinaw ngayon ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Sto. Domingo na hindi kabilang sa ipinamahagi nilang relief goods sa mga evacuees ang naibalitang panis na sardinas.

Ayon kay MSWD officer Regina Echaluce, hindi kasama ang hindi na binaggit pang brand ng sardinas sa mga relief goods na ibinibigay sa mga evacuees.

Kwento pa nito, Enero 25 ng gabi nang isauli ang lata ng sardinas na may mabahong amoy na agad ding itinapon.

Ipinagtataka naman ni Echaluce ang motibo ng evacuee dahil ngayon lamang inilabas ang naturang issue.

Tiniyak nito na systematic ang kanilang pagbibigay ng relief goods at wala naman umanong iba pang natanggap na reklamo kaugnay nito.

Samantala, muling bibisita sa Albay si Vice President Leni Robredo ngayong araw.

Ito ang kinumpirma Sto. Domingo Mayor Herbie Aguas kung saan personal umanong dadalawin ng bise presidente ang mga evacuation centers upang malaman ang kalagayan ng evacuees na apektado ng nag-aalburutong bulkang Mayon.

Source link

Post Comments