Panukala na muling ipagpaliban ang barangay at SK polls, inihain sa Kamara

     2 months ago
10
Leave a Comment
8 SHARE

Iminungkahi ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na ipagpaliban muli ang nakatakdang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa buwan ng Mayo.

Paliwanag ni Umali, ito ay para mabigyan aniya ng sapat na panahon ang Kongreso sa pagtukoy ng wastong structure ng pamahalaan kapag magbago na ang porma ng pamahalaan patungong federal system.

Kaya naman may inihain na raw siyang panukalang batas para sa pagpapaliban muli ng Barangay at SK elections sa Mayo.

Iginiit ng kongresista na mas gusto niya na magkaroon ng “no-election” scenario pagsapit ng Mayo sapagkat masyadong “masikip” na raw ito kung isasabay pa rito ang plebesito para sa proposed Federal Constitution.

“So, ako ang aking tinutulak ay yung Barangay at SK elections ay ipagpaliban natin para maka-concentrate kami doon sa pagbabalangkas ng magandang porma ng gobyerno-federal in support of President Digong [Rodrigo Duterte] sa campaign promise at saka yung Charter Change mismo,” ani Umali.

Gayunman, ipinapaubaya na lamang daw niya sa mga kapwa niya kongresista ang pagdedesisyon kung matutuloy o hindi sa target date ang nasabing halalan.

Si Umali na liban sa chairman ng House justice committee ay miyembro rin ng committee on constitutional amendments.

Source link

Post Comments