Papua New Guinea at Indonesia, niyanig ng malalakas na lindol

     5 months ago
24
Leave a Comment
5 SHARE

 

Niyanig muli ng malalakas na lindol ang Papua New Guinea at Indonesia.

Ayon sa United States Geological Survey (USGS), naitala ang panibagong magnitude 6.3 na paggalaw ng lupa sa layong 56 kilometro sa southwest ng bayan ng Mendi sa Papua New Guinea.

May lalim lamang na 5.2 kilometro ang episentro ng lindol na naitala dakong alas 11:17 ng gabi, oras sa Pilipinas.

Wala pa namang naitalang pinsalang idinulot sa mga struktura ang naturang pagyanig.

Matatandaang kahapon, isang malakas na magnitude 7.5 na lindol ang naitala sa south-southwest na bahagi ng bayan ng Porgera sa Papua New Guinea.

Samantala, niyanig rin ng magnitude 6.1 na lindol ang eastern Indonesia dakong alas-9:34 ng gabi, oras sa Pilipinas.

Ayon sa US Geological Survey (USGS), naitala ang episentro ng lindol sa Seram Sea na may layong 194 kilometro sa northwest ng bayan ng Ambon, na kabisera ng Maluku province.

May lalim ang pagyanig na 12 kilometro.

Bagamat sa dagat naganap ang paggalaw ng lupa, wala namang inilabas na tsunami warning ang mga otoridad.

Wala pa namang impormasyon sa posibleng pinsalang idinulot sa mga struktura sanhi ng naturang pagyanig.

Source link

5 SHARE

Post Comments