Pasok sa trabaho sa kamara suspendido na rin

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Epektibo alas 9:00 ng umaga sinuspinde na rin ang pasok sa trabaho sa kamara.

Ayon sa Press and Public Affairs Bureau ng House of Representatives, ipinag-utos ng House Secretary General ang suspensyon kasunod ng nararanasang masamang panahon.

Bagama’t suspendido na ang pasok tuloy naman ang pagdinig ng House Committee on Energy.

Sinabi naman ng tanggapan ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na magkakaroon pa rin sila ng mga skeletal force na papasok para magbigay suporta sa mga hindi kinanselang committee hearings.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments