Pastor Quiboloy, inaresto sa Hawaii?

     6 months ago
41
Leave a Comment
3 SHARE

Hinarang sa Hawaii ang pinuno ng grupong Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon sa source ng Bombo Radyo, inaaresto ito matapos makitaan ng ilang armas at malaking halaga ng pera sa kanyang private plane.

Lumalabas na $350,000 o P17 million ang dalang pera ng church leader nang ito ay ma-check ng mga otoridad.

Pero makalipas sumalilalim sa ilang proseso, sinasabing na-release din ito, kasama ang iba pa niyang kasamahan.

Sinubukan naman ng Bombo Radyo na kumuha ng panig mula sa kampo ng pastor ngunit wala pa umano silang official statement.

Matatandaang si Quiboloy ay isa sa mga masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte, na kung minsan ay nagpapahiram pa ng kaniyang eroplano para sa mga lakad ng noon ay alkalde pa lang ng Davao.

Source link

3 SHARE

Post Comments