‘Patunayang may HK bank deposit ako kahit $1 lang, mag-resign ako agad bilang pangulo’ – Duterte

     10 months ago
36
Leave a Comment
0 SHARE

Naghamon ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte na patunayang may bank account ito sa Hong Kong kahit $1 lamang at agad siyang magbitiw sa pwesto.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang talumpati sa ika-120 anibersaryo ng Department of Justice (DoJ) sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City ngayong gabi.

Magugunitang kamakailan ay naging mainit ang palitan nila ng alegasyon ng tagong bank accounts ni Sen. Antonio Trillanes kung saan pinakahuling paratang nito ang umano’y “off-shore bank accounts” ng senador sa China, Hong Kong at Singapore.

Para patunayan daw na wala siyang mga tagong bank accounts lalo sa abroad, hinamon ni Pangulong Duterte ang mga kaharap nitong piskal at mga taga-DoJ na magharap lamang ng ebidensyang mayroon siyang foreign deposit kahit isang dolyar lamang at magbibitiw ito bilang pangulo ng republika.

“Kung may makaturo na totoo na meron akong deposit maski $1 sa Hong Kong, I will step down as president of this republic,” ani Pangulong Duterte.

Sa nabi ring okasyon, nilinaw naman ni Pangulong Duterte na hindi siya galit sa Estyados Unidos.

Sinabi ni Pangulong Duterte, wala siyang “dynamics” sa America dahil ang asawa nga daw nitong si Honeylet ay OFW doon bago ito umuwi at nagsama sila sa Pilipinas.

Ayon pa kay Pangulong Duterte, kinuha nga rin niyang miyembro ng gabinete bilang defense secretary si ret. Gen. Delfin Lorenzana kahit alam daw nitong CIA ito.

Magugunitang ilang beses nang kinakastigo at minumura ni Pangulong Duterte ang Estados Unidos kaugnay sa pagpuna laban sa kanyang anti-drug war na nagresulta ng umano’y extra-judicial killings sa bansa.

“I do not hate America,” pahayag ni Pangulong Duterte.

Muli namang iginiit ng pangulo ang kanyang maigting na kampanya laban sa iligal na droga na isa umanong organisadong operasyon.

Idinepensa rin uli ni Pangulong Duterte ang pagkakapatay ng mga sinasabing sangkot sa iligal na droga, mayaman man o mahirap.

Source link

Post Comments