PCOO, nagdeklara ng ‘all-out war’ vs fake news

     2 months ago
6
Leave a Comment
0 SHARE

Idineklara na ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang giyera laban sa fake news, disinformation at misinformation.

Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, kanyang hinihimok ang tinatayang 1,600 information officers ng mga ahensya ng gobyerno sa kauna-unahang National Information Convention (NIC) sa Davao City na makiisa sa giyerang ito ng PCOO.

Hinikayat din ni Sec. Andanar ang mga information officers na bumaba sa “grassroots level” o sa mga mahihirap na lugar upang makontra ang mga nagpapakalat ng fake news.

Binigyang-diin ni Andanar na ang mga information officers ang pag-asa ng gobyerno na maiparating sa taongbayan hanggang sa mga liblib na lugar ang mga tamang impormasyon partikular sa mga serbisyo at repormang ginagawa ng Duterte administration.

Tiniyak din nito na maaasahan ng publiko ang PCOO para maiparating sa kanila ang mga programa at proyekto ng pamaalaan.

Inihalimbawa naman ni Andanar ang umano’y fake news laban kay Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na inakusahang nakialam sa frigate deal ng Philippine Navy gayong matagal na itong naaprubahan sa ilalim pa lang ng Aquino administration.

Maliban sa mga information officers ng pamahalaan, hinimok din ni Andanar ang private media entities na makipagtulungan para masugpo ang fake news at disinformation.

Samantala, pinangunahan ni Andanar ang launching ng “DU30” application sa mga cellular phones na magpapalakas sa kampanya ng PCOO laban sa mga maling impormasyon.

Ang nasabing “app” umano ay isang media platform na kayang ma-access ng sino man para makita ang mga programa at aktibidad ng gobyerno bilang regalo sa taongbayan.

Source link

0 SHARE

Post Comments