Pelikula ni millenial leading man Empoy Marquez na “The Barker”, showing na

     6 months ago
75
Leave a Comment
0 SHARE

Dinumog ng mga fans at mga artista ang premiere night ng pelikulang “The Barker” na pinagbibidahan ng tinaguriang millenial leading man na si Empoy Marquez at VIVA Princess na si Shy Carlos.

Dumagundong at halos mapuno ang Cinema 7 ng SM Megamall kung saan isinagawa ang premiere night matapos dumugin ng mga fans na nagnais na masaksihan ang bagong pelikula ni Empoy.

Ito ang kauna-unahang pelikula ng actor-director na si Dennis Padilla, sa ilalim ng Blank Pages Productions at Viva Films.

Executive Producer ng pelikula ang veteran journalist-director na si Arlyn Dela Cruz na siyang president at CEO ng Blank Pages Productions.

Magkasamang dumating sa venue ang mga bidang sina Empoy at Shy, at maging ang ilan sa mga cast na sina Gary Lim, Ronnie Lazaro, Michael Roy Jornales, Raffy Reyes, at Jemina Sy.

Pero bago magsimula ang pagpapalabas sa pelikula, namigay muna ang Blank Pages Productions at Viva Films ng libreng ticket at t-shirts sa mga fans na naka-abang sa pagdating nina Empoy at Shy.

Pagdating ni Empoy, tilian at sigawan ang sumalubong sa kanya mula sa mga fans na naka-abang.

Sa nasabing pelikula, marami ang nagulat sa kakaibang Empoy na nakita nila dahil sa kanyang mga action scene.

Pinakilig din ng “The New Pogi” ang mga manonood sa kanyang mga banat at matatamis na eksena kasama ang kanyang leading lady.

Pero kitang-kita na mas kinilig ang audience sa ilang beses na kissing scene nina Empoy at Shy.

Mapapanood na sa mahigit 154 cinemas nationwide ang “The Barker” simula ngayong araw, October 25.

 

 

 

 

Source link

0 SHARE

Post Comments