Phl ‘di magsasampa ng kaso vs China sa nasirang coral reefs sa Scarborough Shoal – Palasyo

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Walang balak ang Duterte administration na magsampa ng kaso o reklamo laban sa China kaugnay sa pagkakasira ng coral reefs o bahura sa Scarborough Shoal.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kumbinsido ang administrasyon sa diplomasya at saksi raw sila sa positibong resulta ng “friendly consultation” at negosasyon sa China.

Ayon kay Sec. Roque, ang pagsasampa ng kaso laban sa China ay ikasisira ng mga nakamit na diplomatic gains at hindi makatutulong sa gumagandang relasyon ng Pilipinas at China.

Iginiit ni Sec. Roque, imbes na magsampa ng kaso, mas mabuting idaan na lamang ito sa umiiral na bilateral consultation mechanism (BCM) sa China na nagbunga na ng produktibong palitan ng pananaw para mapaigting ang kooperasyon sa iba’t ibang areas kabilang na ang maritime environmental protection.

“The Administration believes in diplomacy and we are a witness to how our friendly consultation and negotiation with China yielded positive results. At present, we have an existing bilateral consultation mechanism (BCM) with China, which has resulted in productive exchange of views on how to boost cooperation on areas which include maritime environmental protection,” ani Sec. Roque.

“Filing a new case against China will reverse our diplomatic gains, not to mention the cost it entails. We can therefore discuss the issue of destroyed coral reefs in Scarborough Shoal as this forms part of the area of maritime environmental protection instead of filing a new case.”

Source link

0 SHARE

Post Comments