Phl Embassy, handang i-repatriate ang mga Pinoy na naiipit sa bakbakan sa Syria – DFA

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Nagpahayag ng kahandaan ang Philippine Embassy sa Syria na pauwiin ang mga Pinoy workers na naiipit sa war-torn Syria.

Ang abiso ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay kasunod pa rin ng pagbomba ng Syrian military sa huling stronghold ng Islamic militants sa Damascus.

Nakipagpulong na rin umano si Alex Lamadrid, chargé d’affaires ng Philippine embassy sa Syria sa mga embassy officials para i-assess ang pinakahuling opensiba laban sa mga rebelde.

Una rito, inabisuhan na ng embahada ng Pilipinas sa Syria ang 500 na Pinoy sa Damascus na manatili lamang sa kanilang tinitirhang bahay para maiwasan ang anumang kaguluhan kahit napabalitang sumuko na ang mga rebelde.

“Syrian army bombardment and the retaliatory mortar fire could be heard at the embassy, which is seven kilometers away from the nearest point of fighting. Chargé d’affaires Lamadrid told members of the Filipino community that the embassy is ready to repatriate any of them who may want to leave Syria for the Philippines,” wika ni DFA assistant secretary Elmer Cato.

Ayon sa DFA, nasa 1,000 na Pilipino pa ang nananatili sa Syria na kinabibilangan ng asawa ng mga Syrian nationals at household service workers.

Maalalang noong nakaraang linggo ay naglunsad ng joint missile strike ang United States, United Kingdom at France sa ilang military installations sa Syria na pinaniniwalang storage ng chemical weapons.

Source link

0 SHARE

Post Comments