Phl nagpasalamat sa ‘commitment’ ng int’l community vs OFW abuse

     7 months ago
17
Leave a Comment
5 SHARE

Ikinagalak ng Department of Foreign Affairs ang inisyatibong ipinaabot umano ngayon ng international community na nais mag-commit sa isinusulong ng Pilipinas na magkaroon ng proteksyon ang mga overseas Filipino workers saan mang bansa.

Sa press conference, nilinaw ni Sec. Alan Peter Cayetano na ang mga hakbang ay walang kaugnay sa kasalukuyang issue ng bansa sa Kuwait.

“Kasi nga ang ganda ng response ng mga host countries sa ibang bansa, sila naman yung pro-active. Wala namang nagsasabi na it’s because of Kuwait, (ako yung nagsasabing) nakita nila yung determination ng ating pangulo (Rodrigo Duterte),” ani Cayetano. “It’s just like a union. Kung tingin mo kaya mong tapakan ang union, human nature, ang tendency is to give a rest. Pero kung tingin mong ‘yun ay matindi, ipaglalaban talaga you’ll only not negotiate better you’ll also be more open doon sa hinihingin nila.”

Una nang dumating ang labi ng Pinay OFW na si Joanna Dimafelis mula sa Kuwait na natagpuan ag bangkay sa loob ng isang freezer kamakailan.

Biniweltahan ni Cayetano ang mga pahayag ng naturang bansa na maayos naman ang estado ng mga Pilipinong manggagawa roon, sa kabila ng malaking bilang ng mga nagrereklamo nakakaranas ng pangma-maltrato mula sa mga amo.

“The only thing we’re asking is yung dignity of a human being. Don’t look at the citizenship. Pare-pareho tayong tao, tratuhin mo kaming tao. (Kaso) doon naman tayo binabalikan ng Kuwait na sinasabing ‘don’t let the individual cases dictate whether tao o hindi yung turing namin sa inyo kasi a vast majority, maganda ang turing.”

“Pero sinasabi nga rin natin, we cant ignore the number. It’s not about if it’s 90 percent, its a matter kung ilang libo itong nagco-complain.”

Source link

Post Comments