Pilipinas, ‘committed to peace’ pero wala pang balak bumalik sa peace talks sa NDFP

     2 months ago
9
Leave a Comment
9 SHARE

Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nananatiling committed ang gobyerno ng Pilipinas sa pagsusulong ng kapayapaan.

Ito’y sa kabila pa ng kamakailang pagtataas niya sa halaga ng pabuya sa mga makakapatay sa mga komunistang rebelde.

Binitiwan ni Duterte ang pangakong ito sa kinatawan ng Norway na nakatalaga sa peace process sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na si Idun Tvedt.

Nakipagpulong kasi ang pangulo kay Tvedt sa Davao City noong Huwebes, kung saan inulit ng Norwegian envoy na committed pa rin silang tulungan ang pag-aayos ng gobyerno ng Pilipinas at NDFP.

Mababatid na ang Norwegian government ang nagsisilbing third party facilitator ng peace talks ng magkabilang panig.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, welcome kay Pangulong Duterte ang paghahayag ng Norway ng commitment, kasabay ng pagbibigay diin na dapat makamit ang kapayapaan alinsunod at habang ikinukonsidera ang national interest ng Pilipinas.

Iginiit aniya ni Duterte sa pagpupulong na ang Pilipinas ay “committed to peace.”

Gayunman, nilinaw naman ni Roque na ito lang ang sinabi ng pangulo at hindi ito nangngahulugan na babalik na sa peace negotiations ang gobyerno.

Ipinaliwanag naman aniya ni Duterte na parang wala nang kinabukasan ang peace talks sa mga rebelde dahil tila wala namang sinseridad ang mga ito sa negosasyon.

Source link

9 SHARE

Post Comments