Pinakamabigat na parusa sa Kuwait, dapat ipataw sa mga amo ni Joanna – pamilya Demafelis

     5 months ago
19
Leave a Comment
3 SHARE

ILOILO CITY – Umaasa ngayon ang pamilya ni Ilongga overseas Filipino worker (OFW) Joanna Demafelis na pinatay at isinilid sa freezer sa bansang Kuwait na malulutas ang kaso nito sa lalong madaling panahon.

Ito ay matapos na mahuli na sa bansang Syria ang isa pang employer ni Joanna na si Mona Hassoun na isa sa mga principal suspects sa kanyang pagkamatay.

Si Hassoun ay nasa kamay na ng International Police Organization (Interpol) sa Damascus, Syria.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Barangay Kagawad Pablo Demafelis, tiyuhin ni Joanna, sinabi nito na labis ang kanilang tuwa dahil sa wakas ay nahuli na ang dalawang employer ng kanyang pamangkin.

Una nang nahuli ang lalaki nitong employer na si Nader Essam Assaf sa bansang Lebanon.

Ayon kay Kagawad Demafelis, hindi sila matatahimik hanggang hindi mahahatulan ng pinakamabigat na parusa ang mag-asawang employer ni Joanna.

Nagpasalamat rin ito sa Bombo Radyo Iloilo na siyang unang nagpaalam sa kanila sa pagkahuli ng mga employer ng kanyang pamangkin.

Source link

Post Comments