Pinay na itinago sa freezer sa Kuwait, namatay sa matinding bugbog; labi iuuwi sa Feb. 16

     6 months ago
29
Leave a Comment
4 SHARE

Ibibiyahe na sa Biyernes, Pebrero 16, pauwi sa Pilipinas ang labi ng Pinay na pinatay ng kaniyang amo sa Kuwait at isinilid sa freezer.

Inilabas na rin ang resulta ng autopsy examination sa bangkay ni Joanna Daniela Dimafelis, ng Barangay Ferraris, Sara, Iloilo.

Sinabi ni Ambassador to Kuwait Renato Pedro Villa na batay sa autopsy, napatay si Dimafelis dahil sa matinding pambubugbog.

Nabalian ng ribs ang Pinay worker, nagtamo ng contusion, trauma sa pelvis at kidney area, at nakaranas ng internal bleeding.

Maraming sugat din umano ang natagpuan sa katawan ni Dimafelis.

Samantala, inihayag ni Ambassador Villa na batay sa imbestigasyon ng mga otoridad sa Kuwait, lumalabas na patay na nang isinilid sa freezer ang Ilongga OFW.

Sinikap pa raw pagtakpan ng mga amo ni Dimafelis ang nagawang krimen sa pamamagitan ng pagsumbong sa mga pulis na tumakas sa kanilang bahay ang Pinay worker.

Huling nakausap ni Dimafelis ang pamilya sa Pilipinas noong September 2016 habang pinatay ito noong Nobyembre 2016.

Source link

Post Comments