Pinoy at 4 na anak patay sa banggaan sa Delaware, USA

     3 days ago
637
Leave a Comment
161 SHARE

Dead on the spot ang isang Pinoy at ang apat na anak na babae matapos mabangga sa Townsend, Delaware.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang aksidente sa bahagi ng State Route 1 Highway sa bisinidad ng Noxontown Road bandang 3:47, Biyernes ng hapon, Sabado sa Pilipinas.

Mula sa southbound lane, napunta sa northbound lane ang isang Ford F-350 dahilan para mabangga ang Mercury Sable car kasunod ang Toyota Sienna van na minamaneho ng Pinoy.

Kinilala ang mga namatay na si Audie Trinidad kasama ang mga anak na sina Kaitlyn, 20-anyos, Danna, 17-anyos at kambal na Allison at Melissa, 13-anyos.

Agad namang naisugod ang ina na si Mary Rose, 53-anyos, sa Christiana Hospital sa Newark, Delaware.

Ayon sa Delaware State Police, tanging sina Audie ay Mary Rose lang ang nakasuot ng seatbelt sa sasakyan.

Nagtatrabaho si Audie bilang postal woker habang nurse naman si Mary Rose sa Mount Sinai Beth Israel.

Samantala, nagparating naman ng pakikiramay ang ilang kaibigan ng pamilya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

161 SHARE

Post Comments