Pinoy boxer Jhack Tepora, wagi sa WBA interim featherweight belt

     2 weeks ago
42
Leave a Comment
19 SHARE

Nasungkit ni Filipino boxer Jhack Tepora ang WBA interim featherweight title kontra kay Mexican boxer Edivaldo Ortega.

Nagwagi si Tepora via technical knockout matapos mapatumba si Ortega sa nalalabing 2:38 ng 9th round ng laban.

Pinatumba ng right uppercut ni Tepora kay Ortega sa naturang deciding round.

Simula nito, umarangkada na ng suntok ang tubong-Cebu dahilan para ihinto ng referee ang laban.

Ayon kay Tepora, bata pa lang siya ay pangarap na niyang maging isang world champion katulad ni Manny Pacquiao. Kaya naman, masayang-masaya aniya siya sa nakamit na tagumpay.

Ang naturang laban ay undercard ng Manny Pacquiao-Lucas Matthysse boxing match sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

19 SHARE

Post Comments