Pinoy na nang-rape sa turistang Swiss nat’l sa Surigao, kakasuhan na

     2 months ago
52
Leave a Comment
6 SHARE

(Update) BUTUAN CITY – Kasong rape ang kakaharapin ng isang sound system operator matapos nitong samantalahin ang isang turistang Swiss national sa General Luna, Surigao del Norte.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ronel Espejon Consigna na taga-Barangay Consuelo nang nasabing bayan.

Ayon sa hepe ng Police Regional Office-13 na si C/Supt. Noli Ramana, positibong kinilala si Consigna ng hindi na pinangalanang biktima at ng mga nakasaksi habang dinala nito sa isang hotel sa Barangay 3 Poblacion ang banyaga.

Una nang dumulog sa General Luna Municipal Police Station ang Swiss tourist dahil ito umano ay ginahasa habang pauwi na galing sa dinaluhang party.

Base sa imbestigasyon, isang Ricky Toloy na kinalaunan ay natukoy na si Consigna ang naghatid sa biktima sa hotel at saka ito iniwan.

Source link

Post Comments