Planong peace talks resumption sa CPP- NPA, ‘di muna matutuloy – Dureza

     2 months ago
20
Leave a Comment
6 SHARE

Inianunsyo ngayon ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na hindi na muna matutuloy ang balak sanang resumption o pagbabalik ng peace negotiations sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa June 28.

Sinabi ni Dureza sa press briefing sa Malacañang, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa muna ng konsultasyon sa publiko at iba pang stakeholders bago bumalik sa negotiating table.

Ayon kay Sec. Dureza, naabisuhan na ang kabilang panig, gayundin ang Norwegian government na siyang third party facilitator kaugnay sa desisyon ng gobyerno na itakda sa ibang pagkakataon ang pagbabalik sa formal peace talks.

Hindi naman masabi ni Dureza kung hanggang kailan matatapos ang gagawing public consultation at kung bakit biglaang nagkaroon sila ng ganitong desisyon.

Tanging nasabi ni Sec. Dureza na kailangang maging komprehensibo at tiyak ang bawat hakbang sa aniya’y huling tsansa para makamit na rin ang kapayapaan sa mga rebelde para maiwasang maitulad ito sa unang bersyon ng Bangsamoro Basic Law (BBL) na hindi agad naipasa ng Kongreso.

Source link

Post Comments