Plunder case na isinampa ni Trillanes kay Duterte, ibinasura ng Ombudsman – SolGen

     6 months ago
31
Leave a Comment
12 SHARE

Ibinasura nang Office of the Ombudsman ang plunder case laban kay Pangulong Rodrigo Duterte na isinampa ni Sen. Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Solicitor General Jose Calida, sumulat mismo sa kanya si Deputy Ombudsman Melchor Carandang para sabihin na noong Nobyembre 29, 2017 pa ay “closed” at “terminated” na ang reklamo laban sa pangulo.

Ayon kay Calida, ibinasura ang reklamo dahil sa kawalan ng merito.

“It means there is no evidence to support that complaint,” wika ni Calida.

Sa sulat ni Carandang kay Calida noong February 12, 2018, ang rekomendasyon na i-terminate ang imbestigasyon ay aprubado ni Deputy Ombudsman Cyril E. Ramos.

Noong May 5, 2016, naghain si Trillanes ng plunder complaint laban kay Duterte dahil umano sa mga ghost employees sa mga payroll ng Davao City government.

Ayon kay Trillanes, base sa 2015 Commission on Audit (COA) report, may 11,000 ghost employees sa Davao City na may budget na P708 million.

Source link

Post Comments